ANG MGA BABAE TALAGA OO
*gabe. usapang lalake*
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-
muni. Nag-iisip.
Minsan talaga may mga bagay na hindi ko
maintindihan. Ewan ko ba.
*hinga ng malalim*
Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-
aralan pero lagi na
lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo
tingnan, hindi
nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay
pagdating sa
pagmamahal.
*tingin sa stars*
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang
hirap ng lalake na
gumawa ng first move para magtapat ng
pagmamahal? E yung hirap na
dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal
nya? Ang feeling ng
masaktan pag nabasted? Malamang-lamang
siguro, hindi ano. Wala naman
yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang
alam lang ata nila e
mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?
*tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang
naghihirap. Hassle
saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano
pang diskarte ang
gagawin naten para masabi naten sa kanila na
mahal natin sila. Alam
kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na
yung babae, diba?
Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal
nga sila. Susuyuin to-
the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan,
sasabayan, palalamunin,
pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e
pagsilbihan mo nang walang
sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip
nila. Oo tol, sa
trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal
natin talaga sila.
Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang
malaking HINDE ang
makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o
lumuhod sa mga asing
buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di
man lang sinusukat
bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na
mahal na mahal natin,
sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila.
Kailangan mong
maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka
lang na bad trip, iiling-
iling, at minsan, luhaan.
Wala tayong magagawa, marami silang
alibi. "Hindi pa 'ko ready
eh..", "Sorry pero I think we should just be
friends..", "Ha?
Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha.." "Better
luck next time na
lang muna, okay lang?", "Give me a decade. Pag-
iisipan ko
muna..", "Para lang kitang kapatid e..", yaddah
yaddah. Isang
malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para
saten.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa
lang yon. Pag
sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo
daw ang mga
lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo
ang aayos kung may
gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang
magtatyaga; tayo ang
magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.
Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo
dapat magmeet; sila
ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang
texts; sila ang
magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang
magbabawal; sila ang
magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung
kelan ka pwedeng
tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat
bad tripin dahil
meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun
ata talaga.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang
bahala kung ano ang
magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi
okay. Pag may problema,
kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung
tutuusin sakit sila
ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin
iniintindi yun.
*hinga ng malalim*
Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo
magmahal Alam mo
yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-
laro lang.
Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-
lubusan. Mas mature. Hindi
yung parang pambata lang gaya nila na kesyo
magseselos-selos, iiyak-
iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa.
Hindi lang
kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo
pag nagmahal.
*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*
At ito pa ang pinakamasaklap.
*singhot*
Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to,
either sawa na sila,
hindi na tayo trip, may nahanap na silang better
saten, o kaya they
need f*cking space and time muna. Bad trip no?
Wala na naman tayong
choice. Sila ang masusunod.
At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre
wasak na ang imahe naten.
Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy.
Na nagpapaiyak.
*iiling*
Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung
mga bidang inaapi at
parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-
ooffer sila
ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan,
lahat ng gifts naten
nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang
image naten, at
higit sa lahat, mag-iisip kung papaano
ipagpapatuloy ang buhay.
Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan
nagkamali, mamomroblema
sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman
makakatulog.
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na
lang naiiwan sa ere.
Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?
Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-
buntong hininga.
Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-
lagok ng alak.
Ang mga babae talaga, oo.
ANG MGA LALAKI TLGA, OO
Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake,
agrabyado. Lalake,
kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp,
parang masyado yatang
nagisa ang mga kabaro ko.
Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig,
kami naman ang
laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi,
kami ang laging
nawawalan at iniiwan.
Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti
pagkakamalan ka nang
malandi. Hindi pangseryosohang relasyon.
Marinig lang nila na
malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O.
kagad sa kanila iyon.
Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy
manamit, kulang nalang
makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng
seryosohin at gustong ligawan
dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha,
dapat mukhang inosente.
Tapos kami pa raw ang mahilig mamili? Parang
baliktad yata? Chaka
pag ligawan, kayo nakakapamili ng liligawan nio
dba? Kami
makakapamili ba kami? hindi, no choice talaga
Ok, ayan nanliligaw na si lalake.
Dapat pakipot ka
para suyuin ka,
para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman
nagpakipot "easy to
get" naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na
seseryosohin.
Sino bang
may sabing magpaalila kayo, di naman namin
hawak ang buhay niyo.
Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa
amin eh.
Kapag
nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga
paghihirap niyo, babaliktad
na ang sitwasyon kami naman ang
mamromroblema. Para lang kayong may
gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito
kailangan munang
magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at
napagsawaan wala
na, balewala na.
Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag
trip ko o kaya'y
pag may gusto akong ipagawa sa iyo.
Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang naloob
pa natin yun. Dahil
naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian
natin iyon ng higit
pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos
at laging magsisilbi sa
kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon,
pero kapag ikaw naman
ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin
pa sa iyo "demanding"
ka. Meron ka pang maririnig na "I think we need
space" at kung anu-
ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami
magpakabait,
maging
devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway
niyang mga iyan, iba na
ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot,
pakawala, makikay at
kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa
amin. Kapag kayo gumawa
noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag
ginawa niyo iyon. Kaya
kami. Walang magawa. Magpapakaburo at
magpapakamadre nalang. Kapag
nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin?
Eh di iiyak nalang. Wala
namang ibang magagawa eh.
Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand
namin. Hindi kami
nagdedemand! Karapatan lang namin iyon.
Karapatan namin na lambingin
niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo
kami.
Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin.
Seryoso rin
naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad.
Mas maaga nga
kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old
na lalake eh, isip
15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group.
Mas mataas pa nga
kung minsan ang pagbawas ng level of maturity.
Kayo na ang mag-math.
Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo
drama daw. Diba
kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan.
Ano tingin niyo sa
amin mga artista?!
Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay
lumuha ka na ng dugo, pero
hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang
tigilan na ang
pagdradrama. Hindi nila kami maintindihan kapag
nagseselos kami.
Bakit naman kami magseselos kung wala kaming
nakikita? Mas iba
kaming magmahal. Mas masarap.
Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre
iwanan blues na.
Kami
pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip
lang. Sino ba ang
lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba
ang mayabang, sino ba
ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang
choice.
Kasi ang babae pag
sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng
konti balikan blues
na iyan.
Kapag ang lalake ang umayaw, pucha,
bahala ka diyan. Kahit
mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek.
Umiyak ka ng bato. Wa-
epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang
kawawa.
Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki.
Sasamantalahin ni
lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala
ka lang kapag may
kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka after the
break up,
magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag
gumanda ka naman,
ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging
girlfriend ka niya.
Sala sa init sala sa lamig talaga.
Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging
babae ano. Kala nila
laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere.
In-love din kami.
Ang mga lalake talaga, oo.